Logo
FEATURED

NAMATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN SA GENSAN, SAMPU NA

Published Aug 05, 2022 03:32 PM by: NET25 | [Screengrab from video of Deosh Asombrado Domingo / FB]

NAMATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN SA GENSAN, SAMPU NA

Umakyat na sa sampu ang nasawi habang apat pa ang ginagamot sa ospital sa nangyaring road crash kahapon sa boundary ng Batomelong at Tinagacan sa General Santos City na kinasasangkotan ng tatlong sasakyan. Pinangalanan ni Patrolman Asma ng GenSan PNP ang mga nasawi sa trahedya sa national highway na sina: 1. Lalaine Joy Labang, 28-anyos, residente ng Brgy. Fatima, GenSan 2. Mylene Donaldo, 44-anyos taga Brgy. Calumpang 3. Carlo Advincula, 30-anyos, Tupi, South Cotabato 4. Noel Podadera, driver sa commuter van na taga Polomolok, South Cotabato 5. Regie Pag-ong, 27-anyos taga Brgy. Fatima, GenSan 6. Ryan Jay Niñez, 36-anyos taga Polomolok, South Cotabato 7. Alfredo n. Abatayo, 47-anyos, Alabel, Sarangani province 8. Cesar Andaya, 42-anyos, driver sa wingvan truck taga Hagonoy, Savao del Sur. 9. Salvacion Masugbod, residente sa zone 7, block 0,Uhaw, Fatima, GenSan 10. Rose Ann Macpal, 30-anyos, taga Brgy. Labangal Kasalukuyang ginagamot pa sa ospital sina: 1. Shiela Bantaculo, 37-anyos, residente sa Prk. Mapagmahal, Brgy. Baluan 2. Regina L. Gadia, 29-anyos Calumpang, GenSan 3. Jerel U. Villaruz, 31-anyos, Calumpang, GenSan 4. Jeraldine U. Villaruz, 30-anyos Calumpang, GenSan. Karamihan sa mga namatay ay ang mga pasahero sa van commuters na galing sa isang team building activity sa Samal Island sa Davao del Sur. Ayon sa GenSan traffic enforcement unit na binabaybay sana ng van commuter na minamaneho ni Noel Podadora at nang subukan umanong mag overtake aksidenting sumabog ang unahang gulong nito. Bumangga sa isang ford ranger na minamaneho ni ginoong Elbert Hayag, saka bumaliktad at tumama naman sa nakasalubong na wing van truck na minamaneho ni Cesar Andaya, ang kapuwa nabanggit na driver ay kasamang nasawi. Patay din ang driver ng van commuters na si Noel Podadora matapos mawasak ang minamaneho nitong van. Pinapag-iingat ng otoridad sa GenSan ang mga motorista at dapat tiyakin ng mga operator na condition ang sasakyan nito bago patakbuhin sa kalsada para hindi na maulit ang ganitong trahedya.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News