Logo
FEATURED

SECOND BATCH NG AYUDA, AGAD IPAMAMAHAGI NG DSWD

Published Aug 05, 2022 03:11 PM by: NET25

SECOND BATCH NG AYUDA, AGAD IPAMAMAHAGI NG DSWD

Agad na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P4.1 bilyong pondo para sa second batch ng Targeted Cash Transfer (TCT) program. Ang pahayag ay ginawa ng DSWD matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas sa naturang pondo. Ayon sa DSWD ,isang welcome development ang hakbang at may malaking tulong sa mga benepisyaryo ng TCT ang pondo lalu pa nga't sumasabay ang pagtaas ngayon ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin. Sinabi ng DSWD na aabot sa 4 na milyong pamilya ang makikinabang sa TCT Program. Matatandaang unang ipinatupad ng DSWD ang TCT noong Hunyo kug saan anim na milyon ang naging benepisyaryo nito. Samantala, naghahanda na rin ang DSWD sa identification at validation para sa dagdag na 2.4 million TCT.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News