Logo
FEATURED

6.4 PERCENT ANG ITINAAS NG INFLATION NITONG HULYO - PSA

Published Aug 05, 2022 03:06 PM by: NET25

6.4 PERCENT ANG ITINAAS NG INFLATION NITONG HULYO - PSA

Tumaas ang inflation rate sa bansa ng may 6.4 percent nitong nagdaang buwan ng Hulyo 2022. Ayon ito sa Philippine Statistics Authority (PSA) na sinasabing ito na ang ikalimang sunod na buwan nang pagtaas ngayong July. Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang 6.4 percent na inflation rate nitong July 2022 ay mas mataas sa 6.1 percent noong nagdaang buwan ng Hunyo 2022 at malaking taas sa 3.7 percent ng kaparehong buwan ng Hulyo noong 2021. “Ang dahilan ng mataas na antas ng inflation nitong Hulyo 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay may 6.9% inflation at 64% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa,” pahayag ni Mapa. Tumaas naman sa 9.2 percent ang inflation sa presyo ng isda at iba pang seafood products mula sa 6.7 percent, ang karne at iba pang meat products ay nagtala din ng inflation na 9.9 percent mula sa 8.1 percent noong Hunyo, ang asukal, confectionary at mga sugar product ay may tumaas sa 17.6 percent mula sa 10.9 percent noong buwan ng Hunyo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News