Logo
FEATURED

DAGDAG SINGIL SA TRANSAKSYONMG GINAMITAN NG CREDIT CARD, IPAGBAWAL - ESCUDERO

Published Aug 04, 2022 05:26 PM by: NET25

DAGDAG SINGIL SA TRANSAKSYONMG GINAMITAN NG CREDIT CARD, IPAGBAWAL - ESCUDERO

Nais ni Senador Chiz Escudero na ipagbawal at ituring na krimen ang pagdagdag ng singil sa mga transaksyon na ginagamitan ng credit card. Sa kanyang inihaing Senate Bill No 296, sinabi ni Escudero na dapat maprotekahan ang mga consumers mula sa pagsasamantala at pagmamalabis. Puntirya rito ang mga tindahan at restaurant na may idinagdag na charges o singil, kaya itinataas ang presyo ng produkto o serbisyo, o kaya naman binabawasan ang discount ng produktong naka-sale kapag credit card ang ginamit ng kostumer sa pagbabayad. Sa ganitong gawain, ipinapasa ng merchant sa kanilang kostumer ang processing fee na dapat nilang bayaran sa credit card companies. Giit ni Escudero, pasakit ito sa consumers at diskriminasyon sa hindi makabayad ng cash at dapat umano kung magkano ang mga nasa price tag, iyon ang babayaran, cash man o credit card ang gamit. Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ito at ang lalabag ay makukulong ng anim na buwan hanggang isang taon at pagmumultahin ng P20,000 hanggang P100,000 at maaring suspendihin o kanselahan ang kanilang business license.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News