Logo
FEATURED

GURO NA NAGPAHIRAM NG SAPATOS SA ESTUDYANTE TRENDING PA RIN

Published Jul 05, 2022 05:37 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: JOHN UNSON]

GURO NA NAGPAHIRAM NG SAPATOS SA ESTUDYANTE TRENDING PA RIN

PATULOY na pinag-uusapan ng netizen ang guro na nagpahiram ng sapatos sa kanyang grumadweyt na estudyante sa Zamboanga City. Napansin ng guro na si Christian Carpio ang suot na sapatos ni Rey Paul Daval na binalot ng scotch tape. Nangangahulugang masaya itong magtatapos lalo na’t face-face ang seremonya makaraan ang dalawang taon. Kaya agad hinubad ng guro ang sariling sapatos saka ipinasuot kay Daval bago ito pumanik sa entablado. Batay sa ulat, nakapila na raw paakyat ng stage ang naka-toga na estudyanteng si Daval sa kanilang paaralan nang mapansin ito ni Carpio. Ayon sa guro, alam niya kasi ang nararamdaman ng estudyante dahil hindi rin kagandahan ang sapatos niya noong nag-aaral pa. Hanggang sa matapos ang graduation, hindi na ipinasoli ng guro ang naturang sapatos at ipinauwi na lamang sa estudyante bilang graduation gift.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News