Logo
FEATURED

6 PATAY SA PANIBAGONG MASS SHOOTING SA US

Published Jul 05, 2022 05:12 PM by: NET25 NEWS

6 PATAY SA PANIBAGONG MASS SHOOTING SA US

MULING nagulantang ang mga taga-Amerika ng maitala ang panibagong mass shooting incident sa nasabing bansa. Ito ay nang anim na katao ang nasawi matapos ang pamamaril sa araw ng selebrasyon ng Fourth of July Parade sa Chicago, Illinois. Ayon kay Commander Chris O’Neil, hepe ng Chicago Police, patuloy na hinahanap ng otoridad ang tumakas na suspek sa Highland Park, Illinois na inilarawan bilang White man, mahaba ang buhok at nasa edad 18-20. Dinala naman sa pagamutan ang 16 na katao matapos na sila ay nasugatan sa insidente. Sinabi naman ni Chicago Mayor Lori Lightfoot na patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente kung saan tumulong na rin ang Federal Bureau of Investigation. Kinansela na rin ng mga karatig na bayan ng Illinois ang pagdiriwang nila ng 4th of July at maging ang mga train stations ay kanilang pinahinto dahil sa insidente.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News