Logo
FEATURED

WAREHOUSE NG IMPORTED AGRICULTURAL PRODUCTS, NI-RAID NG BOC

Published Oct 24, 2021 01:45 PM by: NET25

WAREHOUSE NG IMPORTED AGRICULTURAL PRODUCTS, NI-RAID NG BOC

Sinalakay ng Bureau of Customs ang isang bodega sa Dacudao, Corrales Extension, Barangay Puntod, Cagayan de Oro. Katuwang ng BOC ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at barangay officials nang pasukin ang nasabing warehouse kasunod ng report na natanggap ng bureau kung saan mayroon itong mga imported agricultural products Sa nasabing pagsalakay, ay sarado nang abutan ng mga operatiba at wala ring inabutang mga kinatawan dahilan para selyuhan ang gate at isinagawa ang inspeksyon nitong Oct .22 at natuklasan ang imported agricultural products tulad ng bawang , sibuyas, mung beans, carrots, at iba pang assorted imported goods. Ayon sa BOC sasailalim ito sa seizure and forfeiture proceedings sa ilalim ng Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act kung hindi makapagpakita ng import documents sa loob ng 15 araw ang may-ari nito. Gayunman, tinatayang P5 milyon ang red onions ang kinumpiska matapos maberipika ng Department of Agriculture na hindi ito nag-isyu ng importation permit para rito na kinokonsiderang smuggled goods at inirekomenda para sa Warrant of Seizure and Detention.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News