Logo
FEATURED

MGA MAGULANG, HINIKAYAT NA PABAKUNAHAN ANG MGA ANAK KONTRA POLIO

Published Oct 24, 2021 01:37 PM by: NET25

MGA MAGULANG, HINIKAYAT NA PABAKUNAHAN ANG MGA ANAK KONTRA POLIO

Hinikayat ng Department of Health (DOH), ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak kontra Polio. Ang panawagan ng DOH katuwang ng World Health Organization UNICEF at Rotary International ay kasabay ng pagdiriwang ng World Polio Day. Matatandaan na una nang inanunsyo ng DOH na ang Pilipinas ay natapos na ang polio outbreak noong June 2021 matapos ang 18 buwang outbreak response nang mabakunahan ang 11 milyong bata na karamihan sa kanila ay tumanggap ng polio drops sa gitna bg COVID-19 pandemic. Pero dahil sa pandemya, naapektuhan naman ang serbisyo sa kalusugan kung saan kalahating milyong batang Pinoy ang hindi nakatanggap ng oral polio drips para sa routine immunization. Dahil dito muling inilunsad ang immunization campaign na nagsimula sa National Capital Region noong Oct .13, 2021. Nilalayon ng kampanya na maabot ang nga bata na edad dalawang taon pababa na naipagpaliban ang vaccibe dises kabilang ang para sa polio. Ang WHO, UNICEF at Rotary International ay kabilang sa mga katuwang sa Global Polio Eradication Initiative, isang public-private partnership na pinangungunahan ng national governments. Ang iba pang GPEI partners ay ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at ang Bill & Melinda Gates Foundation. Bukod sa pagbabakuna, nakikipagtulungan din ang DOH sa mga katuwang para palakasin ang environmental at Acute Flaccid Paralysis surveillance sa buong bansa para matukoy ang poliovirus. Sa buong mundo, nananatiling endemic ang polio sa dalawang bansa lamang – Afghanistan at Pakistan. Kapag ang mga bansang ito ay naging polio-free, ang polio ay magiging pangalawang sakit na kasunod ng smallpox na napuksa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News