Logo
FEATURED

PANGAKO NI PANG. DUTERTE NA IBALIK ANG COCONUT LEVY FUND, PINURI NI GO

Published Oct 24, 2021 01:33 PM by: NET25

PANGAKO NI PANG. DUTERTE NA IBALIK ANG COCONUT LEVY FUND, PINURI NI GO

PINURI ni Senador Christopher Lawrence "Bong" Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad nito sa kanyang kampanya na ibalik ang coconut levy fund sa mga coconut farmers ng bansa. Sa naging pulong ng Joint National and Regional Task Forces on Ending Local Communist Armed Conflict sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon province, sinaksihan nina Pangulong Duterte, Go at iba pang opisyal ang pag-aabot ng kopya ng Republic Act 11524, o "Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act," na naglalayong lumikha ng trust fund para sa coconut industry at mga manggagawa nito sa bansa. Ang pondo ay na-recover ng pamahalaan may 10 taon na ang nakalipas matapos ang "decades of litigation." "Napakatagal hinintay ito ng ating mga coconut farmers. Napakaraming administrasyon ang nagdaan at ngayon lang ito napirmahan. Patunay ito sa malasakit ni Tatay Digong sa ating mga magsasaka," ayon kay Go, co-author ng batas sa Senado. Ang batas ay naipasa at tinintahan ng Pangulo noong Pebrero 26.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News