Logo
FEATURED

BAGONG KASO AT REPRODUCTION NUMBER NG COVID-19 SA LABAS NG NCR, BUMABABA

Published Oct 24, 2021 01:26 PM by: NET25

BAGONG KASO AT REPRODUCTION NUMBER NG COVID-19 SA LABAS NG NCR, BUMABABA

MAGING ang reproduction number ng COVID-19 cases sa mga rehiyon o labas ng Metro Manila ay bumababa na rin, ayon sa OCTA Research Group. Nabatid pa na halos 1,000 na bagong kaso na lamang ang naitatala ng research and analyst group at batay sa pinakahuling monitoring nila na ibinahagi sa Twitter ni OCTA fellow Dr. Guido David, nabatid na sa kauna-unahang pagkakataon simula Hulyo 22 hanggang 28, ang 7-day average new cases na naitala sa NCR ay nasa 996 na lamang o wala pang 1,000. Mas mababa ito ng 43% kumpara sa 7-day average noong nakaraang linggo na nasa 1,762. Samantala, ang reproduction number naman ng COVID-19 sa NCR ay bumaba pa sa 0.45. Ang reproduction number, o bilang ng mga taong maaaaring mahawaan ng isang pasyente ng COVID-19, na mas mababa sa isa ay indikasyon ng pagbagal ng hawaan ng virus. Ayon sa OCTA, ang positivity rate naman ay bumaba na rin sa 7% mula sa 10% noong nakaraang linggo. Ang kasalukuyang average daily attack rate (ADAR) naman sa NCR ay humusay rin sa 7.03 per 100,000 individuals per day mula sa dating 10.23 noong Oktubre 18. Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), natukoy na ang NCR ay mayroong 12,967 active COVID-19 cases sa ngayon habang 66,838 naman ang active cases sa buong bansa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News