Logo
FEATURED

PULIS NA NAGBENTA NG ILLEGAL FIREARMS, TEPOK SA ENTRAPMENT OPS

Published Oct 24, 2021 01:23 PM by: NET25

PULIS NA NAGBENTA NG ILLEGAL FIREARMS, TEPOK SA ENTRAPMENT OPS

PATAY ang isang pulis na sangkot sa pagbebenta umano ng illegal firearms makaraang makipaglaban sa kabaro sa bayan ng Placer, Masbate. Sugatan din ang pulis na umaktong buyer nang maramdaman ng suspek na entrapment operation ang bentahan ng armas. Kinilala ni Maj. Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Bicol Police Regional Office, ang napatay na si Staff Sgt. Grafilo Pahilino Jr., na naka-detail sa Cataingan Municipal Police Station sa Masbate. Ibinebenta ni Pahilino ang tatlong .38-caliber revolvers at isang .45-caliber Norinco pistol na nagkakahalaga na P25,000 sa Barangay Matagangtang dakong alas- 7:20 ng umaga kahapon, Oktubre 23 sa poseur buyer cop nang maramdamang isang patibong ang transaksyon. Agad binaril ni Pahilino ang katransaksyon dahilan para gumanti ng putok ang undercover cop na nagresulta ng kamatayan ng suspek. Itinago naman ang pangalan ng poseur-buyer cop na ngayon ay nilalapatan ng lunas. Photo Courtesy of PinoyTextBICOL FB

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News