Logo
FEATURED

PAGBUBUKAS NG CAMIGUIN AIRPORT, MAGPAPASIGLANG MULI NG TURISMO SA LUGAR

Published Oct 24, 2021 01:21 PM by: NET25

PAGBUBUKAS NG CAMIGUIN AIRPORT, MAGPAPASIGLANG MULI NG TURISMO SA LUGAR

Pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade ang inagurasyon ng Camiguin Airport sa Northern Mindanao. Ayon kay DoTr Sec.Art Tugade ang pagbubukas ng naturang paliparan ay muling magpapasigla sa ekonomiya at turismo. Kasama ng kalihim ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa inagurasyon ng Camiguin Airport kahapon Oct.22 Ayon kay Tugade, kabilang sa mga natapos na proyekto ang fire station building, passenger terminal building (PTB), administration building, CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) building, at runway asphalt overlay. Ang maritime at road transportation sa nasabing probinsya ay kailangan din tutukan dahil hindi lamang aniya ang malalaking probinsya ang dapat na magkaroon ng development projects kundi maliliit na lugar tulad sa Camiguin. “Asikasuhin din ‘ho natin ‘yung mga lugar na may malaking potensyal, hindi lang sa lanzones kundi sa beauty ng lugar, at sa katamisan ng hospitality ng mga tao upang sa ganon sasabihin natin sa Pilipino, sa mga biyahero at mga dumadalaw sa Camiguin: Come again to Camiguin,” dagdag ni Tugade. Magkakaroon din ng karagdagang proyekto upang mas mapabuti pa ang naturang paliparan. Kasama na rito ang pagpapalawak ng check-in at pre-departure area, probisyon ng control tower, at pagsasaayos ng vehicular parking area. Nagpasalamat naman si Camiguin Governor Jurdin Jesus Romualdo kay Tugade para sa mabilis na pagtatapos ng mga proyekto sa Camiguin Airport. Sinabi naman ni CAAP Director General Jim Sydionco na gagawa ng feasibility study sa susunod na taon upang malaman kung mayroong paglalagyan ng ibang runway o kung paano iimprove ang runway sa Camiguin. Photo Courtesy of DOTr FB

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News