Logo
FEATURED

BBM NANGUNGUNA SA SURVEY

Published Oct 23, 2021 09:14 PM by: NET25

BBM NANGUNGUNA SA SURVEY

Nangunguna si presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa resulta ng Presidential preference survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Biyernes. Ayon sa lumabas na resulta, nakuha ni Marcos ang 49.3 porsyento mga boto ng mga respondents. Sumunod sa kanya si Vice President Leni Robredo na may 21.3 porsyento. Pumangatlo lamang si Manila Mayor Isko Moreno na may 8.8 porsyento at sinundan naman nila Senador Ping Lacson na nagtala ng 2.9 porsyento at ni Sen. Manny Pacquiao na nakakuha lamang ng 2.8 porsyento. Sa National Capital Region, nakuha ni Marcos ang 40 porsyento na boto. Samantala, sa North and Central Luzon, nakakagulantang na 55.7 porsyento ng mga boto ang kanyang nakuha. Sa South Luzon, nagtala siya ng 38.2 porsyento. Sa Visayas nakuha niya ang halos kalahati ng mga boto sa 44.7 porsyento. Nakakuha naman 62.5 porsyento si Marcos na voter preference sa Mindanao. Ang Pahayag survey ay ang latest Presidential preference survey na lumabas matapos magdeklara si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya interesadong tumakbo bilang Presidente sa darating na halalan sa 2022 bagkus ay muling kakandidato bilang Mayor.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News