Logo
FEATURED

HIGIT 1K HCWS NG PGH, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Published Jan 14, 2022 02:37 PM by: NET25

HIGIT 1K HCWS NG PGH, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Hindi bababa sa isang libo ang tinamaan na ng COVID-19  sa mga healthcare workers (HCWs) ng Philippine General  Hospital (PGH) sa gitna ng pagsipa ng mga kaso ng virus sa bansa Sinabi ni PGH spokesperson Jonas del Rosario na sa  kasalukuyan ay mayroong 314 na mga pasyente ng COVID-19, na lampas sa 300-bed capacity ng PGH para sa mga COVID patient. Aminado si del Rosario na isa sa nakaapektuhan ngayon sa kanilang pagtugon sa COVID-19 ay ang  kakulangan ng tauhan kung saan halos 100 fully vaccinated healthcare workers ng pagamutan ay nagpositibo rin sa virus ngayong linggong ito. Simula aniya Enero 1 ay halos 1,100 HCWs ang nagpositibo. Nanatili naman sa 10 araw ang isolation ng mga healthcare workers ng PGH at hindi pa na-adopt ang pinaikling isolation guidelines ng Department of Health (DOH) . Gayunman, ang HCWs na walang palatandaan ng impeksyon ng COVID-19 ay pinahihintulutan na mag-skip ng quarantine at bumalik sa trabaho.  "If they have no symptoms, pinababalik namin sa trabaho. Because of the shortened quarantine, mga 90 plus health workers ang nakabalik kaagad," ayon kay del Rosario.  "Hindi na sila sinaswab, basta asymptomatic at close contact lang. Oras na may naramdamam kahit simpleng sipon o makati lalamunan, pull out kaagad at sinaswab," anang tagapagsalita ng Ospital. Sa gitna ng kakulangan ng staff, pinapayagan ng PGH ang mga asymptomatic health staff na magtrabaho dahil sa pagsirit ng kaso. Kinansela din ng PGH ang mga elective procedure maliban sa mga nangangailangan ng emergency treatment  tulad ng appendicitis, trauma, at iba pang mga  life-threatening cases.  "'Yung mga nai-schedule kinacancel muna dahil walang tatao lalo na nurses. May urgent non COVID cases na tuloy naman po," dagdag pa nito.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News