Logo
FEATURED

SHEAR LINE AT NORTHEAST MONSOON UMIIRAL SA BANSA

Published Jan 14, 2022 02:18 PM by: NET25

SHEAR LINE AT NORTHEAST MONSOON UMIIRAL SA BANSA

DALAWANG weather systems ang umiiral sa bansa ngayong araw. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Shear Line o ang buntol ng Frontal system ang umiiral sa Mindanao habang ang Amihan sa Luzon at Visayas. Ang Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region ang magkakaroon ng scattered rainshowers at thunderstorms dahil sa Shear Line. Habang mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes bunsod ng Northeast Monsoon. Ang Metro Manila, Visayas, at natitirang bahagi ng Luzon ay daranas ng isolated light rains dahil sa Northeast Monsoon. Sumikat ang araw ala- 6:25 ng umaga at lulubog alas- 5:46 ng dapithapon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News