Logo
FEATURED

KONSTRUKSYON NG MUSLIM-CHRISTIANITY UNITY HIGHWAY, PIRMADO NA NI PDU30

Published Jan 14, 2022 02:11 PM by: NET25

KONSTRUKSYON NG MUSLIM-CHRISTIANITY UNITY HIGHWAY, PIRMADO NA NI PDU30

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang  RA 11602  para sa konstruksyon o pagtatayo ng  Muslim-Christian Unity Highway. Ang mandato ng batas ay konstruksyon o pagtatayo ng national highway mula  Lanao del Norte Interior Circumferential Road sa Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte patungong Munisipalidad ng Talakag, Province of Bukidnon, na mayroong crossroad sa Barangay Malimbato, Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte at connecting roads sa national highway sa Iligan City sa pamamagitan ng Barangay Pugaan, Iligan City at sa national highway sa Marawi City sa pamamagitan ng munisipalidad ng Kapai, Province of Lanao del Sur. Sa ilalim ng RA 11602, "the amount necessary to defray the cost of undertaking and completing the feasibility study and detailed engineering for this project, and other activities related will be included in the annual GAA." Matapos ito, isasama ng Kalihim ng DPWH sa programa ng departamento ang konstruksyon ng  Muslim-Christian Unity Highway, ang pondo ay isasama sa annual GAA. Ang batas ay nilagdaan noong Disyembre 10, 2021 at parehong ipinalabas, araw ng Huwebes.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News