Logo
FEATURED

PDU30, NILAGDAAN ANG BATAS PARA SA FULL REHAB, MAINTENANCE NG KENNON ROAD

Published Jan 14, 2022 01:55 PM by: NET25

PDU30, NILAGDAAN ANG BATAS PARA SA FULL REHAB, MAINTENANCE NG KENNON ROAD

TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na may mandatong nagsagawa ng full rehabilitation at maintenance sa Kennon Road, isa sa major access roads patungong Benguet province. Nakasaad sa Republic Act No. 11604, binibigyan nito ng mandato ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng full rehabilitation sa 33.534-kilometer Kennon Road, mula  Munisipalidad ng  Rosario, Province of La Union patungong Baguio City. Matapos ito, responsibilidad pa rin ng  DPWH ang maintenance ng Kennon Road at tiyakin na mananatili itong ligtas at  "optimally serviceable." Ang DPWH, sa pakikipagtulungan sa Cordillera Regional Office ng Department of Environment and Natural Resources, ang siyang susuri at mag-aassess sa kasalukuyang kondisyon ng Kennon Road para ma- identify ang kakailanganing engineering works na isasagawa para sa rehabilitasyon ng nagsabing daan. Magsasagawa rin ang DPWH ng  primarily plan para matukoy ang lawak at tagal ng rehabilitasyon sa  Kennon Road bilang "all weather" road. Ang halaga na kakailanganin para i-cover ang rehabilitation at maintenance ng Kennon Road ay isasama sa annual General Appropriations Act. Ang RA 11604 ay nilagdaan ng Pangulo noong Disyembre 10, 2021 at ipinalabas lamang ng Palasyo, araw ng Huwebes. "The act, which originated in the House of Representatives, was passed by the House and Senate in May 2020, and Sept. 6, 2021, respectively," ayon sa ulat. Ag Kennon Road ay inilarawan bilang  "most dangerous roads sa bansa" dahil na rin sa madalas na  landslides na nangyayari sa daan. Gayunman, nagbibigay naman ito ng "shortest route" mula Rosario, La Union papuntang Baguio City.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News