Logo
FEATURED

ALERT LEVEL 3 SA NCR, APRUBADO NA NG IATF

Published Oct 13, 2021 06:00 PM by: NET25

ALERT LEVEL 3 SA NCR, APRUBADO NA NG IATF

Inaprubahan na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na maibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula sa Okt. 16 hanggang 31. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque kasabay nang pagsasabing bukod sa NCR na ibinaba sa Alert Level 3, aprubado din din ng IATF ang pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bataan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Naga City, Zamboanga City at Zamboanga del Norte. Sinasabing ang patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID sa rehiyon at maging ang pagluwag na rin ng mga pagamutan sa COVID patients ang dahilan kaya pwedeng pairalin ang mas maluwag na status sa rehiyon. Paiiralin naman ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, at Batangas para sa Luzon; Bacolod City, Capiz, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, at Bohol para sa Visayas; at Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City, at Surigao del Sur para sa Mindanao. Inaprubahan din ng IATF na sumailalim sa GCQ ang Ilocos Norte, Dagupan City, Ifugao, Benguet, Tarlac, Lucena City, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Albay, and Camarines Norte para sa Luzon; Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Iloilo City, Iloilo Province, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, at Tacloban City para sa Visayas; at Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Cotabato City, at Lanao del Sur sa Mindanao. Maliban sa nabanggit ang iba pa lugar ay sasailalim sa MGCQ.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News