Logo
FEATURED

LALAKI SA NORWAY PUMATAY AT SUMUGAT GAMIT ANG PANA; MGA PULIS PINAGBITBIT NA NG BARIL

Published Oct 14, 2021 10:05 AM by: NET25

LALAKI SA NORWAY PUMATAY AT SUMUGAT GAMIT ANG PANA; MGA PULIS PINAGBITBIT NA NG BARIL

INATASAN na ng Norway Police ang kaniyang mga tauhan na magbitbit na ng baril makaraang mapatay ang apat katao ng nag-iisang salarin gamit ang kaniyang pana. Habang marami pa nasugatan sa pagtudla ng lalaking naaresto naman ng mga pulis. Sinabi ni Norway Police Chief Oeyvind Aas, nag-iisa lang ang suspek at pumuwesto sa mataas na bahagi ng Kongsberg saka pinuntiryang panain ang mataong lugar kaya apat kaagad ang kaniyang napatay habang marami ang nasugatan. Ang nasabing insidente ang nagdesisyon kay Aas na dalhin na ng mga pulis ang kanilang armas upang pigilan ang posibilidad na maganap muli ang walang saysay na pamamaslang. Hindi pinagdadala ng armas ang mga pulis sa Norway subalit maaari silang gumamit nito kapag kailangan o may responde.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News