Logo
FEATURED

PDU30, PINURI ANG PTFOMS SA PAGPROTEKTA SA PRESS FREEDOM SA PINAS

Published Oct 14, 2021 09:52 AM by: NET25

PDU30, PINURI ANG PTFOMS SA PAGPROTEKTA SA PRESS FREEDOM SA PINAS

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa pagsisikap nitong protektahan ang ang kapakanan ng mga miyembro ng media sa Pilipinas. Ito'y sa pamamagitan ng paninindigan na may press freedom sa bansa. Sa naging mensahe ng Chief Executive sa 5th founding anniversary ng PTFoMs, umaasa si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ng ahensiya ang mandato nito na may “utmost excellence and commitment”. “My warmest greetings to the men and women of the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) as you celebrate its 5th anniversary. The task force plays a crucial role in safeguarding press freedom that is vital in a nation’s vibrant democracy,” ayon sa Pangulo. Pinahalagahan din ng Pangulo ang ginagawang pagresolba ng PTFoMS para protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng Philippine media. “It also helps ensure that the rights and welfare of the press are well protected and upheld,” aniya pa rin. Matatandaang Oct. 11, 2016, nilikha ni Pangulong Duterte ang PTFoMS sa bisa ng Administrative Order No. 1 upang tiyakin na ang mga miyembro ng media ay mayroong "safe environment" sa ilalim ng kanyang termino. Ang PTFoMS ay pinamumunuan ng Department of Justice at co-chaired naman ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ang mga miyembro nito ay kinabibilangan ng Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Office of the Solicitor General, Presidential Human Rights Committee, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at National Bureau of Investigation.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News