Logo

MGA SINEHAN AT MUSEUM, MAGBUBUKAS NA SA NCR; MAS MALUWAG NA ALERT LEVEL 3 IPATUTUPAD

Published Oct 13, 2021 09:39 PM by: NET25 News

MGA SINEHAN AT MUSEUM, MAGBUBUKAS NA SA NCR; MAS MALUWAG NA ALERT LEVEL 3 IPATUTUPAD

Pwede nang manood ng sine sa ilalim ng mas maluwag na alert level 3 para sa Metro Manila na magsisimula sa Oktubre 16, Sabado. Sa ilalim ng alert level 3, papayagan nang magbukas ang mga sinehan, internet cafe, billiard halls, bowling alleys, swimming pools, archery halls, skating rinks, galleries, museums, libraries, parks at plazas, maging ang mga kauri nito. Pahihintulutan rin ang mga religious gatherings, licensure o entrance examinations, dine-in services, personal care, gyms, film, music at TV productions. Subalit kailangang fully vaccinated ang lahat ng papasok maging ang mga empleyado. Hanggang 30% indoor capacity ang papayagan at 50% naman sa outdoor. Gayumpaman, hindi pa rin papayagan ang face-to-face classes (liban na sa mga inaprubahan ng IATF), contact sports (liban na sa mga naka-bubble set-up na pinayagan ng mga awtoridad), perya, palaruan, clubs, karaoke bars, sabong, casino at iba pang kauri nito.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News