Logo
FEATURED

SENADO TIWALANG KAKATIGAN NG SC SA PAGKULONG SA PHARMALLY EXEC

Published Oct 13, 2021 06:21 PM by: NET25 News

SENADO TIWALANG KAKATIGAN NG SC SA PAGKULONG SA PHARMALLY EXEC

Tiwala ang Senado na kakatigan ng Suprteme Court ang kanilang kautusan na ikulong si Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong. Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na marami nang desisyon ang SC na pumapabor sa ganitong usapan. Niinaw ng senador na sasagutin ng legal counsel ng Senado ang petition ni Ong sa SC, subalit maaari rin naman hawakan ng Senate Blue Ribbon Committee ang kaso. Ang reaksyon ng dalawang lider ng Senado ay ginawa matapos hilingin ng SC sa Senado na sagutin ang petisyong na inihain ni Ong dahil sa patuloy na pagpiit sa kanya sa Senado. Oktubre 7 ay hiniling ni Ong sa SC sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio na palayain siya mula sa kustodiya ng Senado. Bukod kay Sotto kabilang sa mga respondents sa petition ay sina Senate Blue Ribbon committee chairman Senator Richard Gordon at Senate retired Major General Rene Samonte ng Senate sergeant-at-arms.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News