Logo
FEATURED

SEN. BATO ‘NUISANCE CANDIDATE’ RAW; COMELEC, BUBUSISIIN

Published Oct 13, 2021 06:20 PM by: NET25 News

SEN. BATO ‘NUISANCE CANDIDATE’ RAW; COMELEC, BUBUSISIIN

(Photo courtesy of Sen. Ronald Bato Dela Rosa Facebook page) Dapat umanong lubos na mapatunayan na wala talagang intensyon na tumakbo bilang pangulo si 2022 elections si Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa bago ito maideklara na 'nuisance candidate' ng Commission on Elections (Comelec). Ito ang naging reaksyon ni Comelec spokesperson James Jimenez sa mga naglalabasang opinyon na dapat na madeklarang ‘nuisance candidate’ si dela Rosa. Ito’y matapos na sabihin ng senador na handa siyang umatras sa panguluhan at magbigay kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sakaling magdesisyon itong tumakbong pangulo. "A mere declaration to the contrary wouldn't, in my opinion, be sufficient to overcome the intention to run which is manifested in the verified COC," ayon kay Jimenez. Una ring sinabi ni dating Comelec commissioner Luie Guia na kailangan talaga na magkaroon ng pagdinig ang Comelec kung may alegasyon na ang kandidato ay wala talagang intensyon na tumakbo o gawing katawa-tawa ang proseso ng halalan. Sakali umanong mapatunayan na talagang walang "good faith intention" para tumakbo ang isang nagsumite ng COC (Certificate of Candidacy), malaki ang posibilidad na ibilang ang mga ito na ‘nuisance candidate’.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News