Logo
FEATURED

MGA KANDIDATONG MAGBABAYAD SA CPP-NPA, SASAMPAHAN NG DISQUALIFICATION CASE – DILG

Published Oct 13, 2021 05:24 PM by: NET25 News

MGA KANDIDATONG MAGBABAYAD SA CPP-NPA, SASAMPAHAN NG DISQUALIFICATION CASE – DILG

Sasampahan ng disqualification case ang sinumang kandidato sa 2022 national and local elections na mapapatunayang sumusuporta sa Communist Party of the Philippines/New People's' Army (CPP-NPA-NDF) sa pamamagitan nang pagbabayad ng ‘extortion money’ o permit to campaign fees. Ito ang ibinabala kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año sa lahat ng kandidato sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-26. Ayon pa sa kalihim ang modus operandi na ito ay malinaw na uri ng ekstorsiyon at batik sa kasagraduhan ng ‘right to suffrage’ o karapatang bumoto ng mga mamamayan. “Huwag po tayong magpaloko at matakot. Ang ibabayad n’yong extortion money sa mga komunista ay gagamitin din nila para makapaghasik ng terorismo sa bansa,” binigyang-diin pa ni Año. Kaugnay nito inatasan ni Año ang mga local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na tiyaking ang lahat ng kandidato ay papayagang makapasok nang walang hadlang sa bawat LGU at gagarantiyahan ang kaayusan at kapayapaan sa lahat ng lugar, partikular na yaong ikinukonsidera bilang ‘hotspots for insurgency.’ Aniya pa, dapat din namang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kandidato at political parties at siguruhing mabibigyan sila ng access sa mga electorate sa panahon ng pangangampanya nang walang intimidasyon at manipulasyon mula sa mga communist terrorist group.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News