Logo
FEATURED

P3 DAGDAG PASAHE SA JEEP, INIHIRIT NA JEEPNEY OPERATORS

Published Oct 13, 2021 04:59 PM by: NET25 News

P3 DAGDAG PASAHE SA JEEP, INIHIRIT NA JEEPNEY OPERATORS

Nagsampa na kahapon ng petisyon ang ibat-ibang grupo ng jeepney operators para maitaas sa tatlong piso ang singil sa minimum pasahe sa mga pampasaherong jeep sa bansa. Kabilang sa mga naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office ang Pasang Masda, FEJODAP, ACTO, LTOP at ALTODAP. Nabatid na ang P3 dagdag pasahe ay para sa unang apat na kilometrong biyahe at wala nang hininging dagdag para sa mga susunod pang kilometro. Napilitan ang mga jeepney groups na magsampa ng petisyon dahil na rin sa walang humpay namang pagtataas sa presyo ng petrolyo. Pitong sunod na linggo na ang bigtime oil price hike na ipinatupad ng mga kompanya ng langis. Sa kasalukuyan ay P9 ang minimum fare at kapag pinayagan ng LTFRB ang fare increase sa passenger jeep ay tataas sa P12 ang minimum na singil sa pasahe sa jeep. Ayon kay Obet Martin, national President ng Pasang Masda, sa loob ng ilang linggong sunod sunod na taas ng presyo ng produktong petrolyo, may P5.65 na ang halaga ng itinaas sa presyo ng diesel, P4.10 naman sa gasolina at P5.30 sa kerosene. Hindi na umano sila makaagapay sa ganitong taas ng presyo ng petrolyo kaya naisip nila magharap na ng petisyon sa kabila na alam nilang pandemic ngayon. Dahil provisional increase ang hirit ng natrurang transport groups ay hindi na maisasalang sa mahabang public hearing ng LTFRB ang petisyon kundi ito ay agad- agad na dedesisyunan ng LTFRB board para sa interes ng jeepney sector.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News