Logo
FEATURED

MMDA, INIUTOS ANG LIMANG ARAW NA SARADO ANG MGA SEMENTERYO SA NCR

Published Oct 13, 2021 04:58 PM by: NEt25 News

MMDA, INIUTOS ANG LIMANG ARAW NA SARADO ANG MGA SEMENTERYO SA NCR

NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints' Day at All Souls' Day. Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng MMDA at 17 alkalde ang isang resolusyon na nag-uutos sa local government units ng rehiyon na isara ang mga sementeryo ng limang araw mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, All Saints' Day, at Nobyembre 2, All Souls' Day. "It is encouraged that individuals visit the public and private cemeteries, memorial parks and columbaria on dates earlier than October 29, 2021, or later than November 2 subject to the prescribed 30 percent venue capacity," ang nakasaad sa resolusyon. "As for the conduct of wakes, necrological services, funerals, interment, cremation and inurnment during the five-day period, the prescribed guidelines by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease shall govern," ayon pa rin sa resolusyon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News