Logo
FEATURED

RANDOM DRUG-TESTING SA MGA COMPANY EMPLOYEES, HIRIT NG DILG

Published May 26, 2023 03:25 PM by: NET25 News

RANDOM DRUG-TESTING SA MGA COMPANY EMPLOYEES, HIRIT NG DILG

Isinusulong ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga company employees sa bansa. Sinabi ng kalihim na hiniling na nila sa mga kompanya na isailalim sa random drug testing ang kanilang mga empleyado upang matiyak ang pagkakaroon ng drug-free workplace. “What is important, ang hinihingi talaga natin ay 'yung drug-testing. Kung mangyayari ito, lahat talaga matatakot na dahil trabaho na 'yan, eh,” ani Abalos. Noong Huwebes, lumagda si Abalos at mga opisyal ng mahigit 100 kumpanya ng isang memorandum of understanding (MOU) para sa paglulunsad ng anti-drug policy sa kanilang mga workplaces kabilang ang drug testing at penalties. Nabatid na kabilang sa mga kumpanya na lumagda sa memorandum ay nasa industriya ng konstruksiyon, restaurant, banking, at kuryente. Sinabi ni Abalos na may diskresyon ang mga naturang kompanya sa pagbuo ng sarili nilang mga panuntunan at parusa para sa mga empleyado nilang mapapatunayang sangkot sa ilegal na droga.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News