Logo
FEATURED

ANGARA, ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS NG LOKAL NA INDUSTRIYA

Published May 26, 2023 03:13 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

ANGARA, ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS NG LOKAL NA INDUSTRIYA

Binigyang-diin ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee, ang pangangailangan na palakasin ang mga produkto at lokal na industriya.   Naniniwala si Angara na kailangan ng 'total national effort' na nakasentro sa pagpapalago ng mga produktong Pilipino na dekalidad at maipagmamalaki sa buong mundo.   Sa kaniyang Senate Bill 2218, ipinanukala ng senador ang pagbuo, pagpopondo, pagpapatupad, pagbabantay, at pag-aaral ng isang komprehensibong multi-year Tatak Pinoy Strategy.   Tinutukoy nito ang ilang malalaking kumpanya na may planta rito sa Pilipinas na gamit ang manpower at raw materials.   Nais ni Angara na gamitin natin ang ating sariling kakayahan na makabuo ng mga produktong pang-export quality na makakatulong sa mga lokal na industriya, makapagbibigay ng dagdag na trabaho, at magagawa pa ang hangarin na maisulong ang mga Tatak Pinoy na produkto.   Ayon sa senador, dapat pagsikapan ng gobyerno at pribadong sektor na ihanay sa mga mauunlad na bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga 'complex products' dahil kung titingnan ay mas competitive at mas maunlad ang mga bansang ito kumpara sa mga bansang gumagawa ng simple at limitadong produkto.   Dagdag pa niya, kailangang magsumikap ang pamahalaan kung nais nitong matupad ang nilalaman ng Philippine Development Plan at maabot ang target na 6.5 hanggang 8 percent na growth rate mula 2024 hanggang 2028.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News