Logo
FEATURED

ZUBIRI SINUPORTAHAN NG TUCP SA P150 WAGE HIKE SA MGA OBRERO NG PRIBADONG SEKTOR

Published Mar 18, 2023 04:23 PM by: NET25 News|📷 SENATE OF THE PH FB/PNA

ZUBIRI SINUPORTAHAN NG TUCP SA P150 WAGE HIKE SA MGA OBRERO NG PRIBADONG SEKTOR

Nasa likod ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang buong pwersa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagsusulong ng P150 across-the-board increase sa minimum wage sa lahat ng private sector employees sa Pilipinas. Ayon kay TUCP Party-list Representative at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, napapanahon ang dagdag sahod ng mga manggagawa dahil na rin sa epekto ng mataas na inflation. Ipinaliwanag ni Mendoza na sa National Capital Region (NCR) ang tunay na halaga ng minimum wage ay bumababa ng P88 kada araw. Nangangahulugan ito na ang P570 na daily minimum wage rate ay nagkakahalaga na lang ng P482. Ayon sa solon, karamihan ng mga manggagawa ay nananatiling mahirap dahil hindi sapat ang kanilang sahod para punan ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. “We welcome these various initiatives to increase the wages of workers because these many proposals, especially spearheaded by the Senate President, underscore the badly needed wage adjustment in light of the erosion of the purchasing power of workers’ wages due to inflation...These are not decent wages that can sustain the health, productivity, and decent life of working Filipinos and their families trapped in subsistence conditions as the stubbornly high inflation persists,” pahayag ni Mendoza.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News