Logo
FEATURED

SIBUYAS, POSIBLENG BUMABA NA SA P100/KILO

Published Jan 25, 2023 10:21 AM by: NET25 News|📷 MADZ MORATILLO

SIBUYAS, POSIBLENG BUMABA NA SA P100/KILO

Makakabili na ang sibuyas sa halagang P100 hanggang P150 kada kilo. Ipinahayag ito ng Department of Agriculture matapos pumasok sa bansa ang 5,000 MT ng mga inangkat na sibuyas. Ipinagpaliban ng kagawaran ng Agrikultura ang pagpapalawig ng P250 suggested retail price para sa sibuyas dahil sa inaasahang mas mababang hanay ng presyo ng agricultural commodity pagkatapos ng panahon ng anihan. “The DA has deferred the extension of the P250 suggested retail price (SRP) due to the forecasted lower price range of onions following the harvest season,” pahayag ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil. Noong Disyembre 30, ginawang P250 kada kilo ang suggested retail price ng mga sibuyas na dapat ay magtatagal hanggang sa unang linggo ng Enero. Ayon pa sa PCO, nagkakaroon na rin ng programa ang administrasyong Marcos para palakasin ang produksyon ng mga magsasaka ng sibuyas para mapababa ang presyo ng mga agricultural products, na umabot sa P720 kada kilo sa ilang lugar sa bansa. “On onions, we are putting together a program...to help farmers to increase their production. We’ll do this by increasing the area that is being planted (with) onions,” pahayag ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na tutulong ang DA sa pamamagitan ng pagpunta sa mga seed producers para mag produce sila ng magandang seed na maibibigay sa mga magsasaka. Dagdag pa ng Pangulo na ang kakulangan sa storage ay isa sa mga dahilan na nakakapaapekto sa suplay at presyo ng mga bilihin. “We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain to maintain it, to preserve the agricultural products,” ani ng Pangulo. Ayon sa report ng Philippine Statistics Authority, ang produksyon ng sibuyas sa ikatlong quarter ng 2022 ay nasa 23.30 MT, 1.7% mas mataas kaysa sa 22.92 MT na output sa parehong quarter dalawang taon na ang nakararaan. Sinasabi ng data supply at demand outlook ng DA na ang Pilipinas ay may 120 porsiyentong sufficiency level na may 312,830 MT na sibuyas. Ang per capital consumption ng sibuyas ay nasa 2.341 kg kada taon, na may tinatayang demand na 21,000 MT kada buwan. Noong unang bahagi ng buwang ito, inanunsyo ng DA ang pag-aangkat ng humigit-kumulang 22,000 MT ng mga sibuyas para mapababa ang presyo at para madagdagan ang suplay ng mga bilihin. Ang mga locally produced na pula at puting sibuyas ay ibinebenta sa halagang P170 kada kilo sa mga Kadiwa store, kung saan ang bawat customer ay pinapayagang bumili ng hanggang tatlong kilo. Ang Kadiwa ay isang programa na naglalayong tulungan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga kalakal at bigyan ang mga mamimili ng access sa abot-kayang mga produkto. Inulit din ni Marcos ang plano ng gobyerno na magtatag ng dalawang buwang sugar buffer stock upang maiwasan ang mga kakulangan at upang mapababa ang mga presyo ng sweetener.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News