Logo
FEATURED

SIM REGISTRATION SA REMOTE AREAS, SISIMULAN NA!

Published Jan 24, 2023 05:31 PM by: NET25 News

SIM REGISTRATION SA REMOTE AREAS, SISIMULAN NA!

Sisimulan ngayong Miyerkules ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) ang assisted SIM registration sa mga remote areas sa bansa. Ayon sa DICT ito ay isasagawa sa 15 natukoy na remote locations sa iba’t-ibang lalawigan ay magsisimula ngayong Enero 25, hanggang sa Enero 27. Nagtakda na rin naman ang DICT ng mga pilot areas para sa aktibidad, gayundin ng petsa kung kailan ito isasagawa. “The government-led facilitation of SIM registration in remote areas is intended to ensure that the implementation of the law is inclusive and that we finish the SIM registration on time,” ayon kay DICT spokesperson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo. “We are reaching out to SIM end-users in areas with limited telecommunication or internet access to assist them in registering their SIMs. The DICT’s Free Wi-Fi sites will serve as the hubs for SIM registration in geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs),” aniya pa. Iniulat rin naman ng DICT na hanggang nitong Enero 22, nasa 24,120,541 SIMs na ang nairehistro sa ilalim ng SIM Card Registration Act.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News