DAGDAG NA BARKO NG PCG, IPINADALA SA AYUNGIN SHOAL
Published Jan 24, 2023 03:30 PM by: NET25 News
Nagdagdag na ng barko at iba pang assets ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin shoal matapos na makatanggap ng ulat nang panibagong panghaharas umano ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar. Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Abu na may hawak silang "raw footage" ng presensya ng barko ng CCG na kanilang ipinadala sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Task Force on the WPS (West Philippine Sea). Sa kabila umano ng presensya ng CCG at ng sarili nilang mga assets ng PCG, maayos naman umano ang diplomasya sa naturang bahagi ng WPS. Layon umano nila na mapawi ang pangamba ng mga mangingisdang Pinoy na sila ay pinahahalagahan din at binibigyang proteksyon. Kasabay naman nito, nanawagan rin si Abu sa mga mangingisdang Pinoy na i-dokumento o kumuha ng ebidensya sa kanilang mga karanasan sa CCG upang magamit bilang mga ebidensya sa mga isusumite nilang mga protesta.
Latest News